-- Advertisements --

Lalo pang bumaba ang huling naitala ng Department of Health (DOH) na mga bagong dinapuan ng COVID-19 na nasa 379 lamang na karagdagang kaso.

Ang kabuuang nahawa sa virus ay umaabot na sa 2,836,200.

Mayroon namang naitalang bagong gumaling na umaabot sa 631.

Ang mga nakarekober sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 2,774,334 na.

Lalo namang bumaba ang mga aktibong kaso na nasa 11,905 na lamang.

Ang bagong bilang din ng mga pumanaw na 25 ay pinakamababa rin mula buwan ng Oktubre.

Samantala mayroong limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.

“Of the 25 deaths, 5 occurred in December 2021 (20%), 6 in November 2021 (24%), 7 in October 2021 (28%), 5 in September 2021 (20%), 1 in August 2021 (4%), and 1 in July 2021 (4%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” bahagi ng DOH advisory.

“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”