Bahagyang mas mataas ang huling naitala ng Department of Health (DOH) na mga bagong tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 3,651.
Kumpara sa nakalipas na Martes na ang naitala sa daily COVID tally ay nasa 3,574.
Sa ngayon ang mga tinamaan ng coronaviurs mula noong 2020 ay nasa 3,623,176.
Samantala mayroon namang naitalang 12,834 na mga bagong gumaling.
Ang mga nakarekober sa bansa mula sa pagsisimula nang pagtala ng DOH ay nasa 3,472,160 na.
Ang mga bagong naidagdag na pumanaw ay nasa 69.
Ang total death toll bunsod ng deadly virus ay nasa 54,690.
Mayroon namang tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) sa DOH.
“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay,” bahagi ng DOH advisory. “Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”