Muli na namang umakyat ang dami ng mga aktibong kaso o pasyente na may taglay ng COVID-19 na umaabot sa 55,293.
Ito ay makaraang ianunsiyo ngayon ng Department of Health (DOH) ang 6,812 na mga karagdagang kaso sa bansa.
Mas mataas ito sa bilang sa isang araw kahapon.
Sa kabuuan ang mga dinapuan ng COVID sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 1,385,053 na.
Umaabot naman sa 2,867 ang mga bagong gumaling o sa kabuuan ay nasa 1,305,608 ang mga nakarekober sa sakit. Katumbas ito ng 94.3 percent.
Samantala, mahigit na naman sa 100 ang mga bagong nadagdag na namatay bunsod ng deadly virus.
Ito ay matapos iulat ng DOH na meron 116 ang mga bagong nasawi.
Ang total death toll ngayon sa Pilipinas ay nasa 24,152 na.
“19 duplicates were removed from the total case count. Of these, 12 are recoveries. Moreover, 61 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH statement. “All labs were operational on June 23, 2021 and all labs were able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS).”