Naitala ngayon sa Pilipinas ang ikalawa sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa single day tally mula noong nakaraang taon.
Ito ay matapos iulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang umaabot sa 17,447 na mga bagong dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito ang kabuuang COVID cases sa Pilipinas ay nasa 1,916,461.
Samantala marami rin naman ang mga bagong gumaling na nasa 6,771.
Sa kabuuan ang nakarekober mula sa virus ay nasa 1,741,089 na.
Gayunman mahigit pa rin sa 100 ang mga panibagong nasawi makaraang nasa 113 ang bagong nadagdag na namatay.
Ang death toll sa bansa ay nasa 32,841 na.
Record breaking naman ang dami ng mga aktibong kaso sa Pilipinas na lalo pang lomobo sa 142,531 o katumbas ito sa 7.4 percent.
Ito na ang pinakamaraming mga pasyente mula noong Abril 17.
Habang mayroon lamang isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Aminado naman ang DOH na sa mga susunod na araw ay maari pa ring tumaas ang mga mga COVID cases sa bansa lalo na at mabilis makapanghawa ang Delta variant.
“Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19,” bahagi pa ng abiso ng DOH. “Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.”