Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling maayos ang kalagayan ng mga aktibong kaso ng mpox sa bansa.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, kasalukuyan pa ring nasa recovery stage ang mga pasyente at lahat sila ay patuloy na tinututukan ng mga health worker.
Anim mula sa walong pasyente ang pinayagan nang makauwi sa kanilang mga bahay ngunit nananatili pa rin silang naka-isolate mula sa kanilang mga pamilya, at regular din ang monitoring ng mga health worker.
Ang dalawang nalalabi (patient 10 at patient 11) ay nananantili sa hospital confinement.
Samantala, ayon sa DOH na ang mga mpox patient na walang ibang mga sakit na nararamdaman ay maaaring manatili sa mga tahanan habang naka-isolate, matapos sumailalim sa testing.
Maaring tatagal ito mula dalawa hanggang apat na lingo, o hanggang sa tuluyan nang mapalitan ang skin layer na dating nakitaan ng mga tumubong pantal o scabs.