-- Advertisements --

Pumanaw na ang transport group leader na si Efren De Luna matapos na atakihin sa puso sa edad 67.

Ayon sa kaniyang kapatid na si Consuelo De Luna, natagpuan ng kanilang 87-anyos na ina si De Luna na hindi na humihinga sa loob kaniyang kuwarto nitong Biyernes ng umaga.

Itinakbo pa nila ito sa pagamutan pero hindi na nagawan pang isalba.

Kasalukuyang nakaburol ito sa Funeria Samson sa Bacoor, Cavite.

Sa loob ng ilang dekada ay naging pangulo ito ng Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO.

Dagdag pa ng kapatid nito na dumagdag pa sa stress ng kapatid ang dumaming mga jeepney drivers na hindi pa nakakapasada dahil sa COVID-19 pandemic.

Makailang beses na rin itong nagsagawa ng pagpupulong sa mga miyembro dahil hinahabol nila ang March 31, 2021 deadline na inilaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paghahain ng PUV Modernization program.