-- Advertisements --

Naghain ng reklamong acts of lasciviousness ang singer-actress na si Rita Daniela laban sa actor na si Archie Alemania.

Sa kaniyang sinumpaang salaysay sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City nitong Oktubre 30 ay bigla na lamang siyang hinalikan at hinawakan.

Naganap ang insidente noong Setyembre 8 ng matapos ang isang kaganapan na kanilang dinaluhan.

Ayon sa actress na sa simula pa lamang ng pagtitipon ay nilapitan na siya ng actor at inayang makipagtalik.

Matapos ang kaganapan ay inalok siya ng actor na sumabay pauwi kung saan doon ginawa ng panghahawak ng inireklamo sa dibdib at pinaghahalikan.

Nakatakas ang actress sa sasakyan at isinama nito sa reklamo ang mga screenshots ng pag-uusap nila.

Humingi ng patawad ang actor at sinabing nakainom lamang siya ng mangyari ang insidente.