Naghain na ng counter-affidavit ang actor na si Archie Alemonia sa kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kaniya ni Rita Daniela.
Personal na tinungo ng actor ang prosecutors office sa Bacoor.
Nakasaad sa nasabing affidavit nito ang pagtanggi niya sa mga alegasyon ng actress.
Kasama niyang naghain ng counter-affidavit ang abogado nitong si Atty. Amir Muksan.
Sa darating na Disyembre 17 ay magsusumite rin ang actress ng kaniyang kasagutan ng kaniyang counter-affidavit.
Magugunitang noong Oktubre 30, 2024 ng kasuhan ng actress si Alemania sa Office of the Prosecutors sa Bacoor City, Cavite.
Nangyari ang insidente ng magpahatid ang actress sa actor sa bahay nila sa Bacoor, Cavite matapos ang pagdalo nila sa isang thanksgiving party noong Noong Setyembre 9, 2024 ng madaling araw.