-- Advertisements --

atayde

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy (COC) ang award winning actor na si Arjo Atayde na tatakbong congressman sa first district ng Quezon City sa darating na 2022 national and local elections.

Sa Comelec NCR sa Intramurous sa Maynila nagtungo ang aktor para maghain ng kaniyang certificate of candidacy.

Sinamahan siya ni QC Mayor Joy Belmonte na naghain na ng kaniyang COC noong Martes pa na tatakbo muli bilang alkalde ng siyudad.

Sinamahan din si Arjo ng kaniyang ina na si Sylvia Sanchez, ang beteranang aktres.

Si Atayde ay isang award winning actor na tinanghal na best actor 2020 Asian Academy Creative Awards dahil sa kaniyang performance sa pelikulang “Bagman.”

Noong buwan lamang ng Hunyo, nag-donate ng mga service vehicles sa Quezon City ang aktor at namahagi din ng mga health kits sa mga QCitizens.