-- Advertisements --

Naghain na ng Certificate of Candidacy ang aktor na si Arjo Atayde para sa muli niyang pagkandidato bilang Quezon City 1st District Representative.

Sinamahan si Arjo ng kaniyang ina na si Sylvia Sanchez-Atayde at ng kaniyang mga tagasuporta sa paghahain ng COC sa Comelec National Capital Region Office.

Kabilang din sa mga magpakita ng suporta kay Atayde ay si QC Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Atayde, nais niyang maipagpatuloy ang mga nasimulang programa at proyekto na nagbenepisyo sa distrito uno sa QC.

Sa kaniyang first term, naisulong ni Atayde ang mga mahahalagang panukalang batas,gaya ng Eddie Garcia Law, ang Internet Transactions Act, the Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, at ang Magna Carta of Filipino Seafarers Act.

Magugunitang ilang beses din na nanawagan si Atayde para sa flood control projects sa Quezon City na madalas nalulubog sa baha kapag may sama ng panahon.