Ibinunyag ng Hollywood actor at dating Califorinia Governor Arnold Schwarzenegger na ito ay sumailalim sa operasyon para ilagay ang pacemaker.
Sinabi nito na walang naging problema sa nasabing operasyon at naging normal naman ang kaniyang pakiramdam.
Dagdag pa ng 76-anyos na actor na mula noong pagkasilang ay mayroon na siyang bicuspid aortic valve isang congential heart defect.
Pinayuhan ito ng mga taong may kaparehas na sakit na sumailalim sa operasyon para magkaroon ng valve replacement.
Bagamat labag sa loob nito ang pagbubunyag ay nakakatulong naman sa ibang tao ang pagiging transparent niya.
Noong 1997 ay sumailalim na siya sa pulmonic valve replacement na siyang tumutulong sa dugo para dumaloy mula puso patungo sa baga.
Habang noong 2018 ay sumailalim siya sa open-heart surgery para mapalitan ang aging pulmonic valve na inilagay.
Matapos ang dalawang taon nagpa-opera muli ito para mapalitan ang aortic valve na tumutulong sa dugo na dumaloy sa puso at ibang bahagi ng katawan.
Pinayuhan ito ng kaniyang doctor na sumailalim sa pinakahuling operasyon kaya kaniyang sinunod.
Regular na lamang itong nagpapa-check up at hindi na nagrereklamo sa kaniyang genetic heart issue.