-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor at dating sumo wrestler na si Taylor Willy sa edad na 56.

Kinumpirma ito ng TV producer na si Peter Lenkov kung saan nagpost pa ito sa kaniyang social media account ng larawan nila ng actor.

Hindi na nagbigay pa ito ng mga detalye sa kamatayan ng actor.

Isinilang bilang si Teila Tuli na nagsimula bilang sumo wrestler noong dekada 80.

Isa lamang siya sa mga madalang na ehemplo kung saan ang mga Americans ay lumalahok sa nasabing Japanese sport.

May record ito na 57 panalo, 27 talo a 14 draw.

Lumahok siya sa UFC 1 kung saan siya ang unang fighter na natalo sa nasabing labanan.

Napabilang na rin ito sa pelikulang “Forgetting Sarah Marshall” at matapos ang dalawang taon ay kabilang na rin ito sa TV series na “Five-O” sa loob ng 171 episode.