-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor at producer na si Billy Miller sa edad na 43.

Ayon sa kaniyang manager na dumanas ito ng matinding depression bago ito namatay.

Nagwagi si Miller ng tatlong Daytime Emmy Awards kung saan dalawa dito ay Outstanding supporting Actor at isa Outstanding Lead Actor sa kani yang role sa “The Young and Restless” ng lumabas ito sa show mula 2008 hanggang 2014.

Lumabas din siya sa “General Hospital” mula 2014 hanggang 2019.

Kasama rin ang actor sa pelikulang “American Sniper” noong 2014 at ang TV series na “Ray Donovan” at “Suits”.

Isinilang bilang si William John Miller sa Tulsa, Oklahoma noong Setyembre 17, 1979 at pumanaw na ito sa kaniyang bahay sa Austin, Texas.