Hinangaan ng fans ni Hollywood actor Colin Farrell matapos na matagumpay nitong paglahok sa Dublin Marathon.
Kakaiba kasi ang ginawa ng actor dahil mayroon siyang itinutulak na kaibigan na nakasakay sa wheelchair.
Tumakbo lamang ang 48-anyos sa huling apat na kilometro ng 26-mile race na itinutulak ang kaibigang si Emma Fogarty patungo sa finish line.
Ang kaibigan nito kasi ay mayroong rare skin condition na isang epidermolysis bullosa (EB) o kilala din bilang butterfly skin.
Layon kasi ng Irish actor sa pagsali sa nasabing marathon ay para makalikom ng pondo sa DEBRA isang irish charity na nagsusuporta sa mga may sakit na kahalintulad ng kaniyang kaibigan.
Sinabi pa ng actor na ang nasabing pagtakbo niya ay malayo sa nararanasang hapdi ng sakit ng kaniyang kaibigan.
Pinasalamatan naman ni Fogarty ang kaniyang kaibigan dahil ito ang pangarap niyang makasali sa marathon na kaniyang tinupad.
Target nilang makalikom ng hanggang $430,000 kung saan marami na rin ang nagbigay ng suporta .