-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong panggagahasa ang actor na si Cuba Gooding Jr.

Ayon sa Manhattan federal court, na isang hindi nagpakilalang babae ang nag-akusang ginahasa umano siya ng 52-anyos na actor noong 2013 sa Manhattan.

Kuwento ng biktima, inimbitahan siya nitong uminom hanggang ginawa ang panggagahasa.

Sinabi naman ng abogado ng biktima na si Gloria Allred na nais nilang tuluyang sampahan ng kaso ang actor.

Mariing pinabulaanan naman ng actor ang alegasyon ng mga biktima.