-- Advertisements --

Lubos ang pasasalamat ng British actor na si Daniel Craig matapos na mabigyan siya ng Hollywood Walk of Fame sa California.

Siya na ang pang-2,704th na celebrity na ginawan ng Walk of Fame.

Isinagawa ito matapos ang huling pagganap niya bilang James Bond sa pelikulang “No Time to Die”.

Hindi aniya nito maipaliwanag ang kasiyahan ng mabigyan siya ng nasabing pagkilala.

Isa lamang si Craig sa mga gumanap na James Bond ang nabigyan ng Hollywood Walk of Fame na una ay sina Barry Nelson, Pierce Brosnan at David Niven.