-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang actor na si Diether Ocampo matapos na masangkot sa aksidente sa kahabaan ng Makati City.

Base sa imbestigasyon, bumangga ang minamanehong Ford Explorer ng actor sa truck ng basura sa kahabaan ng Osmenia Highway, Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang harapang bahagi ng sasakyan ng actor.

Sinasabing nasa impluwensiya umano ng alak ang actor ng mangyari ang insidente pasado alas-tres ng madaling araw ng Huwebes, Pebrero 4 base na rin sa mga rumespondeng bantay bayan.

Dinala na rin sa Makati Traffic Bureau ang driver ng truck habang nasa pagamutan pa rin ang actor.