Pumanaw na ang beteranong actor-director na si Cloyd Robinson sa edad 71.
Ayon sa malapit na kaibigan nitong si Josephine Turqueza, inatake ito sa puso sa kaniyang bahay sa Silang, Cavite.
Mayroon ng diabetes at high blood pressure si Robinson.
Noong dekada ’70 at ’80 ng sumikat ito bilang kontrabida sa pelikula.
Naging talent manager ito at pinasok ang scriptwriting at pag-direk ng pelikula.
Ilan sa mga artistang pinasikat nito ay sina Rio Locsin, Alma Moreno, Deborah Sun, Mark Gil, Tet Antiquiera at iba pa.
Ilan sa mga ginawa nitong pelikula ay ang “Darna at Ding” noong 1980 na pinagbidahan nina Vilma Santos at Nino Muhlach gnun din ang mga pelikulang “Beach House”, “Bloody Mary” , “Love Affair” at maraming iba pa.
Nai-cremate na ang bangkay nito ay nakatakdang dalhin ito sa pamilya niya sa Bacolod, Negros Occidental.