-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ng actor na si Gardo Versoza matapos na sumailalim sa angioplasty procedure nitong Marso 28.
Kinumpirma ng asawa nitong si Ivy Vicencio na nasa pagamutan ang actor matapos na atakihin sa puso.
Sa social media account ng asawa ng actor, sinabi niyang nagsimulang sumakit ang likod at batok ng actor kaya hindi nila alam na ito ay inaatake na sa puso.
Matapos ang pagsakit ng ulo at nagsuka ng dalawang beses ay agad nila itong dinala sa pagamutan.
Muli itong sasailalim sa isang procedure matapos ang tatlong buwan.
Nasa stable condition na ito at pinasalamatan nito ang mga fans ng actor na nagpaabot ng pagkabahala at pagdarasal para sa agarang paggaling nito.