-- Advertisements --

Pinuri ng Hollywood actor na si George Clooney ang naging desisyon ni US President Joe Biden na huwag ng ituloy ang pagtakbo sa pagkapangulo ng US.

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ng US President ay isang pagpapakita ng hindi pagiging madamot.

Siya lamang aniya ang pangulo kasunod ni George Washington na nagpakita ng hindi pagiging madamot.

Isa kasi si Clooney na nagbigay ng malaking campaign donations sa Democrats.

Magugunitang ipinaubaya na ni Biden kay US Vice President Kamala Harris ang pagtakbo sa US election laban kay dating US President Donald Trump matapos ang panawagan ng kapwa Democrats dahil sa kahinaan na umano ng kaniyang kalusugan.