-- Advertisements --
Patay ang actor na si Hagen Mills matapos ang pamamaril sa sarili sa Kentucky.
Ayon sa Mayfield Police Department, natagpuang patay ang 29-anyos na actor matapos na barilin din nito ang isang babae sa Mayfield, Kentucky.
Sinabi ni Mayfield Police Chief Nathan Kent, na rumesponde sila sa tawag na isang babae ang pinagbabaril.
Pagdating sa lugar ay sinalubong sila ng babaeng si Erica Price, 34-anyos na may tama ng bala sa braso at tiyan.
Sinabi ng biktima na unang binariil ito ng actor bago nagbaril sa sarili.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing insidente kung saan mayroon nakaraang relasyon ang dalawa.
Ang actor ay kasama sa ilang pelikula gaya ng “Bonnie And Clyde: Justified” , “Swedish Dicks”, “Baskets”.