-- Advertisements --

Balik na sa trabaho ang Hollywood actor na si Jamie Foxx ilang buwan matapos na ito ay ma-ospital.

Ayon sa kampo nito na sinimulan ng actor ang shooting ng isang commercial sa Las Vegas.

Ito ang unang pagkakataon na nakabalik sa likod ng camera ang actor matapos ang apat na buwan ng itakbo ito sa pagamutan.

Magugunitang itinakbo ng anak nito ang actor sa pagamutan ng makitang walang malay.
Hindi naman na binanggit ng anak nito ang tunay na sakit nito.