-- Advertisements --

Napatunayang guilty ng mga hurado sa New York ang actor na si Jonathan Majors.

Ayon sa korte na dalawa sa apat na bilang na kasong isinampa ng dating nobya nito ay guilty ang actor.

Kinabibilangan ito ng one count ng reckless assault sa 3rd degree at non-criminal charge of harassment as a violation.

Habang acquitted naman ito sa ibang assault charge at one count of aggravated harassment.

Itinakda naman sa Pebrero 6 sa susunod na taon ang pagbaba ng hatol sa actor.

Nagsimula ang pagdinig ng kaniyang kaso noong Disyembre 4 mula sa reklamo ng dating nobya nito na si Grace Jabbari dahil sa ginawang pananakit ng actor noon pang buwan ng Marso.