-- Advertisements --
Kinasuhan ng actor na si Justin Baldoni ang New York Times dahil umano sa pagpapalabas ng balita ng sexual harrasment sa actress na si Blake Lively.
Ayon sa actor na ang inilabas na balita ng nasabing pahayagan ay hindi tama at walang sapat na impormasyon at maraming mga pagkakamali.
Magugunitang naghain ng reklamo sa California Civil Rights Department noong Disyembre si Lively na inakusahan si Baldoni ng sexual harassment at retallation.
Nangyari umano ang insidente habang ginagawa ang pelikula nilang “It Ends With Us”.
Bumuwelta si Baldoni at ang ginawa ng actress ay bilang paninira sa kaniyang career.
Dagdag pa ng actor na pinatulan ng New York Times ang mga pinagsasabi ng actress kahit na hindi kinukuha ang kaniyang panig.