-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Kenneth Mitchell sa edad na 49.

Ayon sa pamilya nito na lagutan ito ng hininga sa kanilang bahay matapos ang ilang taon na pakikipaglaban sa Amyotrophic lateral sclerosis (ALS).

Taong 2018 ng ma-diagnosed ito ng ALS kung saan mula noong ay lumala pa ito.

Nakilala ang actor sa pagganap nito sa series na “Star Trek: Discovery” at “Captain Marvel”.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kasamahan nito sa industrya matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng actor.