-- Advertisements --

Sinampahan ng kaso ang personal shopper ng actor na si Kevin Hart.

Ito ay matapos na gamitini niya ang credit card ng actor.

Aabot sa mahigit $1-million ang nagastos ni Dylan Jason Syer gamit ang credit card ng actor.

Bumili ito ng mga branded bag at mga relo.

Ang 29-anyos na si Syer na mula sa Long Island City sa New York ay naging empleyado ng actor mula pa noong 2015.

Sinampahan ito ng kasong grand larceny, criminal possession, identity theft at scheme to defraud.

Sakaling mapatunayang guilty ng korte ay makukulong ito ng hanggang 25 taon.

Sinabi ni Queens District Attorney Melinda Katz na naging kampante ang actor kay Syer at hindi na nito tinitignan ang mga kaniyang mga nagagastos at credit reports.

Kumikita ang actor ng $39-M mula sa kaniyang acting at sponsorship base na rin sa Forbes.

Ilan sa mga pelikula kung saan nakilala si Hart ay ang “Jumanji”, “Central Intelligence” at maraming iba pa.