-- Advertisements --
Ibinunyag ng actor na si Khalil Ramos na ito ay dinapuan ng COVID-19.
Sinabi nito na noong Marso ng malaman nito na positibo siya matapos na ito ay nagpa-swab test.
Nakaranas ito ng bahagyang paghingal at pangangati ng kaniyang lalamunan.
Nagpasalamat na lamang ito dahil hindi nahawaan ang kaniyang pamilya at maging ang kaniyang kasintahan na si Gabbi Garcia.
Kahit aniya negatibo ang actress na si Garcia ay kinailangan pa rin niyang mag-quarantine dahil naging close contact siya ng nobyo.
Nitong Abril 8 lamang ng lumabas na negatibo na sa COVID-19 ang actor ng sumailalim siya sa RT-PCR test.