-- Advertisements --

Ikinasal na ang actor na si Kristoffer Martin sa kaniyang non-showbiz partner na si AC Banzon.

Sa social media account ng dalawa ay nagpost sila ng larawan ng kanilang civil wedding sa Capas, Tarlac.

Kasama rin sa nasabing ceremony ang limang-taong gulang nilang anak na babae na si Pre.

Magugunitang noong Enero 2021 ay sinurpresa ng actor ang kaniyang mga fans ng aminin nito na ito ay isa ng ama.

Umabot sa pitong taon ang relasyon ng dalawa hanggang nagkahiwalay sila noong Disyembre 2020 at nagkabalikan na noong Hulyo 2021.