Umapela ang beteranong actor Leo Martinez sa gobyerno na kung maaari ay payagan ng lumabas ang mga senior citizens.
Sa isang video sa social media, sang-ayon ito sa naging pahayag ni Atty. Romulo Macalintal na isa ring senior citizen na dapat sila ay payagang lumabas basta naturukan na ng 2 dose ng bakuna.
Ayon pa sa actor na sapat na ang isang taon na sila ay nanatili sa loob ng bahay kaya dapat luwagan na makalabas ang mga senior citizens na nabakunahan na.
Biro pa nito na hindi na naman makikpag-inuman ang mga matatanda sa kanto at lalo hindi na rin silang hahabulin ng mga babae dahil sa edad nila.
Magugunitang pinayagan na rin ng gobyerno ang mga fully-vaccinated senior citizens na lumabas na basta sa lugar na nasa general community quarantine at modified general community quarantine.