-- Advertisements --
Dumepensa ang kampo ng actor na si Luis Manzano matapos na ireklamo ito sa NBI dahil umano sa pagkakasangkot niya sa isang investment scam.
Ayon sa mga biktima na nahikayat silang magpasok ng pera sa Flex Fuel dahil sa ito ay iniindorso umano ng actor.
Ipinagmamalaki pa ng kumpanya na ang actor ang chairman at isa sa may-ari nito.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng NBI na pinapayagan umano ng Securities and Exchange Commission ang kumpanya na magbenta ng produkto at hindi manghingi ng puhunan.
Sinabi ng actor na maging siya ay nagsampa rin ng reklamo laban sa kumpanya dahil nakuhanan ng ilang milyon.
Inamin nito na kaibigan niya ang may-ari na si Idelfonso Medel na kaniyang kinasuhan na noon pang 2020.