-- Advertisements --

Nanawagan ang actor na si Matthew McConaughey na dapat gumawa na ng mas mabigat na hakbang US government laban sa gun control.

Kasunod ito ng madugong pamamaril sa isang elementary school sa Uvalde na ikinasawi ng 19 na mag-aaral at dalawang guro.

Ang 52-anyos na actor ay isinilang sa nasabing lugar.

Nagpaabot na rin ito ng pagdarasal sa mga biktima ng pinakahuling pamamaril.

Ang actor na bumida sa mga pelikulang “Dallas Buyers Club” at “The Lincoln Lawyer” ay pinag-iisipan na rin niyang tumakbo bilang gobernador ng Uvalde.