-- Advertisements --
Max Von Sydow
Max Von Sydow

Pumanaw na ang actor na si Max Von Sydow sa edad 90.

Ito mismo ang kinumpirma ng pamilya ng Swedish-born actor.

Lumabas ito sa ilang mga pelikula at mga TV series gaya ng Exorcist, Flash Gordon at Game of Thrones.

Naging nominado ito ng dalawang Oscars kabilang ang best actor noong 1988 para sa pelikulang Pelle the Conqueror.

Habang supporting actor naman ito sa Extremely Loud and Incredibly Close.

Taong 1983 ng nakasama ito sa bilang kontra bida sa James Bond movie na Never say Never Again.

Nagpaabot naman ng kanilang pagdarasal at pakikiramay ang mga nakasaman nito sa industriya.