-- Advertisements --

Ibinahagi ng actor na si Michael de Mesa na ito ay na-stranded sa kalsada ng mahigit 22 na oras.

Sa kaniyang social ay ibinahagi nito ang ilang mga pangyayari.

Nitong Miyerkules dakong 2:30 ng hapon ng paalis na ito sa Cainta, Rizal.

Pagdating ng Huwebes ng umaga ay nagpost ulit ng larawan at sinabing nasa 17 oras na ito stranded galing sa taping.

Dagdag pa nito na halos maiyak-iyak na siya at nakakaranas na siya ng anxiety attack.

Nagpaabot naman ng tulong ang ilang mga kasamahan niyang artista at mga fans para i-tow ang kaniyang sasakyan.

Sa pinakahuling post niya ay nagpasalamat na lamang ang actor sa mga lahat ng mga tumulong sa kaniya.