-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay matapos na matagpuang patay ang actor na si Michael K. Williams.

Natagpuan ng mga kapulisan ang 54-anyos na wala ng buhay sa nirerentahang apartment nito sa New York.

Nakakita pa ang mga imbestigador ng drug paraphernalia malapit sa katawan ng actor.

Taong 2017 ng inamin ng actor na ito ay dumaranas siya ng substance abuse.

Nakilala ito sa pagganap niya sa bilang Omar Little sa “The Wire” isang TV Drama sa US.

Nakakuha siya ng limang Emmy nominations na ang una ay sa role niya sa “Bessie” noong 2015 at pangalawa ang pagbida nito sa “The Night Of” noong 2017.