-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang actor at dating Republican California Governor Arnold Schwarzenegger kay Democratic candidate Kamala Harris para sa kandidatura nito sa pagkapangulo.

Ayon sa actor na hindi na siya natutuwa sa mga Republicans na ayaw tanggapin ang katotohanan na natalo si Donald Trump noong 2020 elections.

Dagdag pa nito na siya ay tunay na Americans bago naging Republican.

Mas mahal na niya ngayon ang polisiya kaysa sa pamumulitika.

Magugunitang naging governor ng California ang actor mula 2003 hanggang 2011.

Isa lamang ang actor sa ilang mga showbiz personalities at singers ang nagpahayag ng suporta kay Harris.