-- Advertisements --

Boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang actor na si Enchong Dee.

May kaugnayan ito sa P1-bilyon na cyber libel case nito na inihain ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021.

Nasa kustodiya pa rin ito ng NBI matapos na bigong makapaglagak ng piyansa.

Makailang beses na tinangka ng otoridad na ihain ang warrant of arrest ng actor sa bahay nito sa Quezon City subalit hindi na nila ito makita.

Nagbunsod ang kaso ng batikusin ni Dee ang magarbong pagpapakasal ni Bautista at kahit na humingi na ang actor ng paumanhin ay itinuloy pa rin ang kaso.