-- Advertisements --

Nakakuha ng business administration degree mula sa University of San Jose-Recoletos ang Cebuano actor na si GianMatteo Vittorio Guidicelli sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.

Kabilang din si Matteo sa mga special awardees sa 19th commencement exercises para sa Batch 20 ngExpanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program nitong Sabado, Disyembre 9,sa nasabing unibersidad.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng actor na hinikayat siya ng kanyang ina na tapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Ang pagkakaroon pa umano ng diploma ay isang malaking bagay.

Saad pa ng aktor na nagsimula siyang makakuha ng pagpapahalaga sa nasabing programa matapos mas marami pa itong mga natututunan sa bawat klase.

Dagdag pa nito, pangarap niyang maging kasing husay ng kanyang ama sa negosyo ngunit napapaisip din ito kung paano niya patakbuhin ang kanyang mga negosyo kung walang pormal na background.

Kaya naman nang mangyari ang pasukan, nagsimula na umano itong magkaroon ng pagpapahalaga at pagganyak at itinanim sa isip na hindi lang ito para sa hiling ng mama niya kundi para sa kanyang sarili mismo.
Ang diploma pa ang kanyang Christmas gift para sa kanyang pamilya.

Binigyang-diin din ng aktor ang kahalagahan ng social media dahil aniya, may kapangyarihan tayong lumikha ng pagbabago.