-- Advertisements --

Naghain na ng kasong kriminal sa Department of Justice ang actor na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA network na umabuso sa kaniya.

Sinabi ng kanilang abogado na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz na sinampahan na nila ng sexual assault at acts of lasciviousness sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Dagdag pa nito na nakakuha ng sapat na ebidensiya ang National Bureau of Investigation (NBI) kaya nag-coordinate na sila sa isa’t-isa para sa pagsampa ng kaso.

Nangyari umano ang insidente noong Hulyo 20 sa gala night ng nasabing network company.