-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Orestes Ojeda sa edad 68.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na babae na si Lois Nicole Pagalilauan dahil sa isang uri ng rare pancreatic cancer.

Mula pa noong Mayo ay labas pasok na ito sa pagamutan hanggang tuluyang humina ang kalusugan nito.

Inaayos pa nila ang ibang detalye ng burol ng actor.

Isinilang bilang Luis Pagalilauan sa tunay na buhay mula sa Cagayan.

Nakilala sa pelikula noong dekada 70 sa mga pelikulang “Isang Gabi, Tatlong Lalaki”, “Ang Boyfriend Kong Baduy”, ” May Isang Tsuper ng Taxi” at “Dingding Lang ang Pagitan”.

Kasama rin ito sa pelikula ni Ishmael Bernal na “Manila by Night” at “Scorpio Nights” ni Peque Gallaga.