Pumanaw na ang actor na si Paul Reubens sa edad 70.
Ayon sa kampo nito na hindi na nito nakayanan ang pakikipaglaban niya sa hindi na binanggit na uri ng cancer.
Noong nakaraang anim na taon ay tinanggal ng mga doctor ang tumor sa kaniyang utak.
Isinilang siya sa Peekskill, New York at lumaki na sa Sarasota, Florida.
Unang sumabak ito sa acting sa stage sa sixth grade sa Southside Elementary.
Pinangunahan niya ang high school drama club at lumaba sa starring roles sa productions ng “The Comedy of Errors”, “My Fair Lady” at “Guys and Dolls”.
Nakilala siya sa “The Pwee-wee Herman Show” na ipinalabas sa Groundlings Theaters noong 1981 at ginawa itong pelikula nong 1985.
Noong 2010 ay nag-produce ito at sumulat ng muling pagbuhay ng “The Pee-wee Herman Show” sa Los Angeles.