-- Advertisements --

Hiniling ng actor na si Pierce Brosnan, na dapat ang susunod na gaganap bilang James Bond ay isang Briton.

Reaksyon ito ng dating James Bond actor sa paghawak na ng kumpanyang Amazon sa franchise ng pelikula.

Umaasa ito na mayroong lakas ang kumpanya na makapili ng tamang actor para sa nasabing pelikula.

Nasa kamay na rin ng kumpanya ang pagpili sa papalit kay Daniel Craig bilang susunod na James Bond.

Ilan sa mga nakapila na pagpipilian ay sina James Norton, Aaron Taylor-Johnson at Theo James.

Sa mga nagdaan kasi ay mayroong dalawang actor na hindi British ang hindi British at ito ay sina George Lazenby ng Australia at si Brosnan na isang Irish.

Labis na ikinatuwa ng 71-anyos na si Brosnan ang pagkakapili niya noon para gumanap bilang si James Bond.