-- Advertisements --

Nakalaya ang actor na si Ricardo Cepeda matapos ang makulong ng halos isang taon dahil sa reklamong estafa.

Sa social media post ng asawang si Marina Benipayo, makikita ang pagsasayaw nila ng actor sa kantang “Don’t Be Cruel” ni Elvis Presley.

Labis ito ng masaya dahil sa nakapiling ang asawa matapos ang 11 buwan at pinasalamatan nito ang mga nagpaabot ng pagdarasal sa kaniya.

Noong Oktubre 2023 na maaresto ang actor sa Caloocan City dahil sa reklamong estafa.

Ikinulong ang actor sa Cagayan Provincial Jail sa lungsod ng Tuguegarao City sa Cagayan.

Paliwanag ng actor na endorser lamang siya ng produkto ay hindi siya direktang konektado kaya nagtataka ito kung bakit siya nadawit.

Binati naman ng ilang mga showbiz personalities ang social media post ni Marina Benipayo matapos ang paglaya ng actor.