-- Advertisements --
Rip Torn
Rip Torn

Pumanaw na ang Emmy Award-winning actor Rip Torn sa edad 88.

Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang publicist na si Rick Miramontez na nilagutan ng hininga habang ito ay nasa kaniyang bahay sa Lakeville, Connecticut.

Nakilala si Torn sa pagganap niya sa pelikulang “Men in Black” at “The Larry Sanders Show”.

Umabot sa pitong dekada ang career nito sa pelikula, telebisyon at theater.
Lumabas ito sa Broadway ng 10 beses na unang pagganap nito ay ang “Sweet Bird of Youth” noong 1959.

Will Smith
Will Smith/ IG photo

Nanguna naman ang actor na si Will Smith sa pagbibigay pugay kay Torn kung saan nagpost ito ng larawan ng pelikulang “Men In Black” na ipinalabas noong 1997.