-- Advertisements --
Robert de Niro
Robert de Niro

Nahaharap sa kasong harassment at gender discrimination ang actor na si Robert De Niro.

Ito ay matapos na ireklamo ng dating assistant nitong si Graham Chase Robinson.

Ayon sa nagrereklamo, labis ang ginagawang pagmumura at physical contact ng actor.

Dahil dito ay humihingi ito ng damage na aabot sa $12 million.

Nagsimula itong magtrabaho sa actor noong 2008 bilang assistant.

Mariing pinabulaanan ng abogado nito ang nasabing insidente.