-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang British actor na si Robert Pattinson.
Dahil dito ay itinigil ng Warner Bros ang paggawa ng pelikulang “Batman” na pinagbibidahan ng actor.
Nagsimula ang shooting ng nasabing pelikula noong nakaraang tatlong araw sa Leavesden, north London matapos na luwagan ang lugar dahil sa lockdown mula pa noong Marso.
Nakilala ang 34-anyos na actor sa pagbida nito sa “Twilight” series.