-- Advertisements --

Pumanaw na ang singer-actor na si Kris Kristofferson sa edad na 88.

Kinumpirma ito ng kaniyang tagapagsalita a si Ebie McFarland kung saan namayapa ito sa kaniyang bahay sa Maui, Hawaii.

Hindi na nagbigay pa ito ng anumang detalye sa kamatayan ng actor-singer.

Nagsimula ang kaniyang career noong 1960 sa Brownsville, Texas.

Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Sunday Mornin’ Comin’ Down,” “Help Me Make it Through the Night,” “For the Good Times” at “Me and Bobby McGee.”
Kasama rin ito sa ilang mga pelikula gaya ng “Alice Doesn’t Live Here Anymore,” , “A Star Is Born” at “Blade”.

Taong 1973 ng ikasal siiya sa kapwa singer na si Rita Coolidge at nagwagi sila ng dalawang Grammy Awards hanggang sila maghiwalay noong 1980.