-- Advertisements --
image 206

Nagpasasalamat ang actor-dancer na si Vhong Navarro sa kanyang asawa na si Tanya Bautista matapos ang pagbabalik nito sa trabaho.

Ayon sa aktor hindi umano siya iniwan ni Tanya sa hirap na pinagdaanan niya hanggang sa malampasan ito.

Matatandaan na nakulong sa National bureau of investigation ng dalawang buwan at pagkatapos ay sa Taguig City Jail sa loob ng dalawang linggo ang aktor, ito ay kaugnay pa rin sa dati nang na- dismiss at ngayong binuhay na mga kasong panggahasa na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Mahigit isang buwan na mula nang siya ay pansamantalang makalaya.

Nagpasalamat rin si Vhong Navarro sa kanyang mga katrabaho, kaibigan at pamilya dahil sa patuloy na suporta na binigay nito sa kanya.