-- Advertisements --

Binalaan ng beteranong actor at Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Tirso Cruz III ang publiko na huwag maniwala sa mga kumalat na post sa social media na ito ay nag-iendorso ng pekeng food products.

Sinabi nito na ang nasabing pekeng mga social media page na gamit ang kaniyang pangalan, larawan ay naglalayon na makapanloko.

Ang nasabing pekeng social media account ay siya rin ang inireklamo noon ni tv host actress Kris Aquino na gumamit ng kaniyang larawan.

Pinaabot na nito sa mga otoridad ang insidente at kanila na itong pinaiimbestigahan.