-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong two counts of acts of lasciviousness at aggravated physical injuries ang actor na si Tony Labrusca.

Inihain ng hindi na kinilalang babae ang kaso sa piskalya sa lungsdo ng Makati nitong Biyernes kung saan nangyari ang insidente noon pang buwan ng Enero.

Base sa reklamo na dalawang beses siyang minolestiya ng actor noong ibaba umano nito ang strap ng kaniyang damit at pilit pa siyang paupuin sa kaniyang kandungan.

Naging testigo aniya dito ang kaibigang negosyante ng biktima na si Drake Dustin Ibay.

Sinabi ng abogado ng biktima na si Atty. Regie Tongol na may apat pa silang saksi kung saan lango sa alak ang aktor ng ginawa ang insidente.

Sa panig naman ng actor sa pamamagitan ni Atty. Joji Alonso na hihintayin muna nila ang kopya ng affidavit ng complainants bago sila magbigay ng kanilang reaksyon.