-- Advertisements --

Kabilang na sa billionaires list ng Forbes ang actor na si Tyler Perry.

Ayon sa Forbes mayroon itong kabuuang yaman na $1.4 billion.

Nagmula aniya ang yaman nito sa studio sa Fort McPherson na naging Confederate military stronghold.

Siya ang unang African American na nagkaroon ng sariling studio.

Lumaki si Perry sa New Orleans at naging high school drop out hanggang nagpalaboy-laboy pa ito.

Nagtagumpay ang 50-anyos na actor sa pagsulat ng mga plays hanggang nagtayo ng sariling studio.

Ang nasabing studio ay tumulong sa kaniya ng malaki para tumaas ang kita nito.